Presyo ng bilihin bababa sa pag-amyenda sa Cabotage Law
MANILA, Philippines - Isa sa mga nakikitang susi sa pagbaba ng presÂyo ng mga bilihin ang pag-repaso sa Cabotage Law at ang pagtulak ng mga reporma sa shipping industry.
Ayon kay Sen. Bam Aquino, chairman ng SeÂnate Committee on Trade Commerce and Entrepreneurship, kailangang maamiyendahan ang batas para mabuksan ang merkado at mapababa ang presyo ng shipping at transportation cost ng mga produkto sa loob ng Pilipinas.
“Ito ang nakikita kong solusyon para maibaba ang presyo ng mga bilihin sa bansa,†ani Aquino.
Ipinaliwanag ni Aquino na nagmamahal ang isang produkto dahil sa taas ng shipping cost sa pagbiyahe nito patungo sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sinabi ng senador na mas mura pa ang magpasok ng mga produkto mula sa ibang bansa kaysa magdala ng mga produkto mula sa ilang probinsya pa-Maynila.
Inihalimbawa pa ni Sen. Aquino ang pagpapadala ng isang 20-foot equivalent unit (TEU) mula sa Kaoshiung sa China patungong Cagayan de Oro na nagkahahalaga lang ng $360 o P16,000 habang ang halaga ng pagpapadala ng parehong cargo mula Manila hanggang Cagayan de Oro ay nagkakahalaga ng $1,120 o halos P50,000.
“Kung titingnan ninyo, napakalaki ng diperensiya ng shipping sa loob ng bansa at shipping sa labas. Hindi tama na mas mahal pa ang presyo ng local shipping sa pagbiyahe ng mga lokal na produkto,†ani Aquino.
Dahil aniya sa taas ng shipping cost ng mga produkto, walang magawa ang mga negosyante kundi ipatong rin ito sa presyo ng mga bilihin, na nagreresulta naman sa mas mataas na presyo ng mga produkto.
- Latest