MANILA, Philippines - Inamin ng Simbahang Katolika na malaking hamon sa kanila na hikayatin ang mga kabataan na isapuso at isabuhay ang tunay na debosyon sa Mahal na Poong Hesus Nazareno.
Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Youth executive secretary Fr. Kunegundo Garganta, umaasa silang matulungan ng Simbahan ang kabataan na yakapin ang ‘popular devotion’ na may kaakibat na formation.
Aniya, tila karamihan ngayon sa mga kabataan ay hindi alam ang sinasabing debosyon tulad na rin ng paglahok at pagsama sa ‘traslacion’ noong Huwebes.
Masyado lamang malakas ang “Popular devotion†sa mga kabataan para lumahok sa Pista ng Black Nazarene.
Maliban sa Simbahan, malaki rin ang gampanin ng mga nakatatanda para mapalalim pa ang debosÂyon ng mga kabataan.
Paliwanag ni Fr. Garganta, ang mga nakatatanda ang modelo na dapat magbigay ng tamang direksyon sa mga kabataan.
Sinabi ng pari, may elemento rin ng barkada sa panig ng mga kabataan subalit tumutubo dito ang pananampalataya kayat naiibigan na nilang makilahok sa gawain.
Hinimok naman ni Fr. Garganta ang mga konseho na nangangalaga sa mga Replica ng Black Nazarene na magbigay ng katesismo o formation upang maramdaman ng mga kabataan ang spiritual na karanasan kung bakit sila kabahagi ng Traslacion.