PDAF issue Rep. Barzaga, hinamon si Sen. Escudero
MANILA, Philippines - Hinamon ni Dasmariñas Rep. Elpidio Barzaga si Sen. Francis Escudero na ibulgar ang ilang mambabatas na nag-realign ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel sa Local GoÂvernment Units (LGUs) bilang isang assistance fund.
Sinabi ni Barzaga na kaalyado din ng administrasyong Aquino, alang-alang sa pagiging patas at respeto na rin sa ibang mambabatas ay isapubliko ang mga pangalan ng mga inilipat ang pork barrel sa mga lugar kung saan naroon ang mga kaalyado.
Bukod dito nais din ni Barzaga na Chairman ng House Committee on Appropriations na makumpirma kung may katotohanan ba ito dahil ang alam niya sa mga nagdaang deliberasyon sa 2014 budget ay tinanggal na ang pork barrel at inilipat sa mga piling ahensya ng pamahalaan.
Nag-ugat ito matapos mabunyag na inilipat ni Sen. Jinggoy Estrada sa Maynila kung saan Alkalde ang kanyang amang si Joseph Estrada ang P100-M mula sa PDAF nito.
Nauna na rin sinabi ni Escudero na bukod kay Estrada ay may mga kongresista din ang ni-realigned ang pork barrel sa mga lugar kung saan naglilingkod ang mga kapartido.
- Latest