^

Bansa

Norway handa pa ring mamagitan sa peace talks

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakahanda pa rin ang bansang Norway upang mamagitan o bilang facilitator sa peace talks ng Pilipinas at Communist Party of the Philippines (CPP).

Ayon kay Presidential Peace Adviser Teresita Deles, mismong si Norwegian Foreign Minister Broge Brende ang nagkumpirma nito sa kanyang courtesy call sa Palasyo.

Inihayag umano ni Brende na bukas ang kanilang gobyerno upang magsilbing broker sa naunsyaming peace negotiations ng GPH sa CPP-NDF-NPA.

Sinabi ni Deles, lilinawin din nila sa Norway bilang third party facilitator kung ano ang kahulugan ng CPP statement sa kanilang anniversary kamakailan kung saan ay nananawagan ng pagpapatalsik kay Pangulong Benigno Aquino III.

Pero sinabi din ng Palasyo, handa silang mu­ling bumalik sa negotiating table sa CPP-NPA pero dapat ay magpakita ito ng kanilang sinseridad sa pakikipag-usap para sa kapayapaan.

Naunsyami ang peace talks ng gobyerno sa communist movement ng umalis ito sa negotiating table noong Feb. 2011.

vuukle comment

AYON

BRENDE

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

FEB

INIHAYAG

NAKAHANDA

NORWEGIAN FOREIGN MINISTER BROGE BRENDE

PALASYO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PRESIDENTIAL PEACE ADVISER TERESITA DELES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with