MANILA, Philippines - Sibakin na lang ang contractor ng mga bunkhouses ng mga biktma ng super typhoon Yolanda sa Leyte at Samar at bigyan ng mga materyales sa paggawa ng bahay ang mga residente dito upang sila mismo ang gumawa ng sarili nilang tirahan at mabuhay muli ang “Bayanihan†sa mga biktima ng naturang bagyo.
Ito ang suhestiyon ni Buhay Yaang Yumabong partylist Rep. Lito Atienza bunsod sa ulat na overpricing at substandard ng bunkhouses para sa mga biktima ng Yolanda.
Sabi ni Atienza, kahit boluntaryo ang mga contractors at isinasantabi muna ang kanilang kikitain dito ay mayroon pa rin mga alegasyon na kumukuha pa rin sila ng komisyon kaya naaantala ang long term rehabilitation efforts ng gobyerno sa mga lalawigan na sinalanta ng bagyo.
Iminungkahi ni Atienza na sibakin ang mga contractors at hayaang ang mga biktima na lamang ang mismong gumawa ng kanilang bagong bahay upang maisantabi na ang mga alegasyon na pinagkakakitaan lamang ito.
Bukod sa materyales ay maaari din magbigay ang gobyerno ng plano na susundin ng mga gagawa sa ganitong paraan ay makakatipid pa ang gobyerno sa labor at mapapabilis ang konstruksiyon dahil nais na rin nila agad itong matirhan.