MANILA, Philippines - Bumuo na ang PhiÂlippine National Police (PNP) ng 6-man investigating team upang imbestigahan ang kontrobersyal na anomalya sa umano’y overpricing ng mga bunkhouses na itinayo sa mga survivors ng super bagyong Yolanda sa Samar at Leyte.
Sinabi ni PNP-CriÂminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director P/Chief Supt. Benjamin Magalong, walang sasantuhin ang kaniyang tanggapan sa imbestigasyon upang mapanagot sa batas ang may sala.
Alinsunod ito sa utos ni dating Senador at ngayo’y Rehabilitation Czar Panfilo “Ping†Lacson sa PNP na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa alegasyong substandard ang mga ginamit na materyales at overprice ang nasabing mga bunkhouses.
Nilinaw naman ni Magalong na walang time frame sa isasagawa nilang imbestigasyon upang mapatibay ang mga kaso sa umano’y mga maiimpluwenÂsyang personalidad na nakiÂnaÂbang sa kickbacks sa nasabing mga overprices na bunkhouses.
Sinasabing 30 hanggang 35 ang komisyon na tinanggap ng mga tiwaling personalidad sa bunkhouse project.
Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umaabot sa 1.1 M bahay ang napinsala ni Yolanda habang nasa 6,183 ang nasawi na karamihan ay mula sa Leyte at Samar.
Ayon kay Magalong, bahagi ng kanilang pagsisiyasat ay ang pagkonsulta sa mga eksperto na may sapat na kaalaman sa kalidad ng mga materyales na ginamit sa pagtatayo ng mga kinukuwestiyong bunkhouses.
Inaalam na ng PNP-CIDG kung anong klaÂseng asunto ang dapat isampa sa mga dapat managot sa kaso.
Una nang sinabi ni DPWH Secretary RoÂgelio Singson na nakaÂhanda siyang magbitiw sa tungkulin kapag napatunayang overprice ang nasabing bunkhouses ng mga Yolanda survivors.