Palma, Tandang Sora Awardee ng QC

MANILA, Philippines - Ginawaran si multi-awarded broadcast journa-list Maria Cristina ‘Tina’ Monzon-Palma bilang Tandang Sora Award nina QC Mayor Herbert Bautista at Vice-Mayor Joy Belmonte sa isang seremonya sa pagdiriwang sa ika-202 taong birth anniversary ng bayaning si Melchora Aquino Tandang Sora National Shrine, Banlat Road, Quezon City kung saan dito siya ipinanganak.

Kinilala si Palma sa kanyang natatangi at pambihirang pagtulong sa kapwa sa pamamagitan ng Bantay Bata 163 at Sagip Kapamilya sa ilalim ng ABS-CBN Foundation.

Si Palma bilang Program Director ng naturang foundation ay nakapagbigay ng suporta sa publiko para sa relief at rehabilitation efforts sa mga biktima ng karahasan at kalamidad sa buong bansa partikular na sa Zamboanga, Bohol at eastern Visayas.

 

 

 

Show comments