Sasakyan bumaliktad: 27 sugatan
MANILA, Philippines - Umaabot sa 27-katao ang nasugatan makaraang bumaliktad ang sasakyang pampasahero sa kahabaan ng highway sa Barangay Dao-angan, bayan ng Balbalan, Kalinga kamakalawa.
Kabilang sa mga nasuÂgatan naisugod sa Kalinga Provincial Hospital ay sina Teresita Baawa, James Zyver Gangngab, Richard Cosidon, Antonio Condaya, Leah Banson, Consoria Manadao, Brynel Baguiyon, Balitnag Baawa, Maricel Battig, Wanasaon Zenny Dona-al, Joan Balicao, Torres Leo Buslig, Christine Bangan, Anarie Gangngab, Roy Alanggui, Jaymar Balcanao, at 11 iba pa.
Sa ulat ni P/Chief Supt. Isagani Nerez na nakarating sa Camp Crame, naganap ang sakuna sa kahabaan ng highway dakong alas-11:40 ng tanghali.
Bumabagtas ang sasakyan (WRR-535) na minamaneho ni Francisco Cassid Guma-ad Jr. nang mawalan ito ng kontrol sa manibela matapos na masiraan ng makina.
Tuluy-tuloy na bumaliktad sa kanang bahagi ng highway ang sasakyan habang sumuko naman sa pulisya ang driver nito.
- Latest