MANILA, Philippines - Binaril ng malapitan at napatay sa harapan ng kaniyang 14-anyos na binatilyong anak ang 37-anyos na negosyanÂteng misis ng mga armadong lalaki na lulan ng motorsiklo sa Barangay Sto Tomas South, bayan ng Jaen, Nueva Ecija kamakalawa.
Idineklarang patay sa Gonzalez General Hospital sa San Leonardo, Nueva Ecija ang biktimang si Aurora Cunanan Ilamparo ng Sitio Lumanas sa nasabing bayan.
Sa imbestigasyon, sinabi ni P/Chief Inspector Alexander Aurelio, naganap ang krimen bandang alas-5 ng hapon.
Sa pahayag sa pulisya ng 14-anyos na anak nitong si Johnmark kasalukuyan silang nagÂlalaro ng mga kaibigan nang biglang dumating ang riding-in-tandem kung saan hinahanap ang kaniyang ina.
Bukod sa naunang nagtanong ay may dalawa pang kasamahan ang mga suspek na sakay din ng motorsiklo na sinusunod.
Agad namang tinawag ng bata ang kaniyang ina na nagkataong may ginagawa sa loob ng kanilang bahay pero paglabas ng biktima ay agad na niratrat ng isa sa apat.
Nagsilbi namang lookout ang ilan nitong kasamahan na matapos ang ilang saglit ay mabilis na tumakas.
Narekober naman sa crime scene ang tatlong cartridge ng cal. 45 pistol at mga basyo ng bala.