^

Bansa

Machine readable passports phase out na sa 2015 - DFA

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inianunsyo kahapon ng Department of Fo­reign Affairs (DFA) na ipi-phase out na ang lahat ng lumang pasaporte na Machine Readable Passport bilang pagsunod sa standard at panuntunan na hinihingi ng International Civil Aviation Organization (ICAO).

Ayon sa DFA, ang lahat ng non-machine readable passport ay hindi na mai-extend pagkatapos ang Oktubre 31, 2015 at kumpletong mapi-phase out sa Nobyembre 24, 2015.

Sinabi ng DFA na ang lahat ng mga Pinoy na may hawak ding Machine Readable-Ready Passports (MRRP; kulay green passports) at Machine Readable Passports (MRP; kulay maroon passports) ay hindi na pinapayagan na makapag-apply para sa extension ng validity ng pasaporte matapos ang Oktubre 31, 2015.

Ipinaliwanag ng DFA na kailangan nang mag-apply ng bagong e-Passport bago ang expiration ng kanilang hawak na MRRP (green) o MRP (maroon) passports na siyang kikilalanin ng immigration sa buong mundo.

Ang mga mabibigong magpalit ng pasaporte ay tiyak umanong makararanas ng problema sa immigration checks sa kanilang pagbiyahe sa anumang ports of entry sa buong mundo matapos ang Oktubre 2015.

Pinaalalahanan din ng DFA ang mga passport holders sa mahigpit na regulasyon at alintuntunin sa pag-aapply ng extension ng validity ng mapapaso o na-expired ng passports.

Ang mga pasaporte na balido ng pababa sa anim na buwan o kaya sa mga na-expire na ay maaaring mapalawig lamang sa oras ng medical emergency o may mahigpit na kadahilanan tulad ng isang OFW na kailangang umuwi sa Pilipinas dahil namatayan ng kanyang miyembro ng pamilya, sa OFW na may matinding sakit na kailangang dalhin sa ibang bansa para sa medical treatment, at sa mga papauwing Pinoy mula sa Middle East na may hawak na final exit visas.

Sa nasabing usapin, kailangan lamang uma­nong ipakita at iprisinta ang “proof of urgency” tulad ng kopya ng death certificate, medical certificate, at valid employment contracts na prinoseso ng POEA or anumang Philippine Overseas Labor Offices (POLO), kasama ang kanilang plane tickets na may kumpirmadong flight details.

DEPARTMENT OF FO

INTERNATIONAL CIVIL AVIATION ORGANIZATION

MACHINE READABLE PASSPORT

MACHINE READABLE PASSPORTS

MACHINE READABLE-READY PASSPORTS

MIDDLE EAST

OKTUBRE

PHILIPPINE OVERSEAS LABOR OFFICES

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with