MANILA, Philippines - Nais ni Senator Grace Poe na magkaroon ng Philippine Press Freedom Day na gagawin tuwing Nobyembre 23 ng bawat taon.
Sa Senate 2044 na inihain ni Poe, sinabi nito na ipinagdiriwang naman tuwing Mayo 3 ang World Press Freedom Day base sa rekomendasyon ng General Conference ng UNESCO noong 1991, pero wala itong masyadong kahulugan para sa mga Filipino.
Pero hindi umano makakalimutan sa bansa ang nangyari noong NobÂyembre 23, 2009 kung saan naitala sa Philippine press history ang pagpaslang sa 57 katao kabilang ang 37 mamamahayag sa Maguindanao.
Naniniwala si Poe na kung idedeklara ang naÂsabing araw bilang Philippine Press Freedom Day, hindi makakalimutan ng lahat ang nasabing pangyayari at magpapaalala ito kung gaano kahalaga ang ginagampanang papel ng media sa lipunan.
Bagaman at ikinokonsidera ang Pilipinas na “freest press†sa Asia, sunod-sunod naman ang pinapaslang na mamamahayag sa bansa.
Naniniwala si Poe na dapat maging simbolo ng press freedom ang Maguindanao massacre at ipagpatuloy ang laban para sa kalayaan sa pamamahayag.
Sinabi ni Poe na ang kalayaan ay hindi lamang kalayaan sa pagsusulat o pagsasalita kundi ang pagkakaroon ng proÂteksiyon ng mga miyembro ng media mula sa pananakot at posibleng pagkitil sa kanilang buhay dahil sa trabaho.
Kung maging batas, ang DepEd, CHED at TESDA, sa pakikipagtulugan ng Presidential Communications Operations Office at iba pang government media organizations, private media organizations ang mangunguna sa pagdiriwang.