^

Bansa

Philippine Press Freedom Day pinadedeklara

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nais ni Senator Grace Poe na magkaroon ng Philippine Press Freedom Day na gagawin tuwing Nobyembre 23 ng bawat taon.

Sa Senate 2044 na inihain ni Poe, sinabi nito na ipinagdiriwang naman tuwing Mayo 3 ang World Press Freedom Day base sa rekomendasyon ng General Conference ng UNESCO noong 1991, pero wala itong masyadong kahulugan para sa mga Filipino.

Pero hindi umano makakalimutan sa bansa ang nangyari noong Nob­yembre 23, 2009 kung saan naitala sa Philippine press history ang pagpaslang sa 57 katao kabilang ang 37 mamamahayag sa Maguindanao.

Naniniwala si Poe na kung idedeklara ang na­sabing araw bilang Philippine Press Freedom Day, hindi makakalimutan ng lahat ang nasabing pangyayari at magpapaalala  ito kung gaano kahalaga ang ginagampanang papel ng media sa lipunan.

Bagaman at ikinokonsidera ang Pilipinas na “freest press” sa Asia, sunod-sunod naman ang pinapaslang na mamamahayag sa bansa.

Naniniwala si Poe na dapat maging simbolo ng press freedom ang Maguindanao massacre at ipagpatuloy ang laban para sa kalayaan sa pamamahayag.

Sinabi ni Poe na ang kalayaan ay hindi lamang kalayaan sa pagsusulat o pagsasalita kundi ang pagkakaroon ng pro­teksiyon ng mga miyembro ng media mula sa pananakot at posibleng pagkitil sa kanilang buhay dahil sa trabaho.

Kung maging batas, ang DepEd, CHED at TESDA, sa pakikipagtulugan ng Presidential Communications Operations Office at iba pang government media organizations, private media organizations ang mangunguna sa pagdiriwang.

BAGAMAN

GENERAL CONFERENCE

MAGUINDANAO

NANINIWALA

PHILIPPINE PRESS FREEDOM DAY

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS OFFICE

SA SENATE

SENATOR GRACE POE

WORLD PRESS FREEDOM DAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with