MANILA, Philippines - Hindi umano istupido ang pamahalaan sa pagÂdeÂdeklara ng 26 araw na tigil putukan sa hanay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa bansa.
Ito ang ginawang pagpalag kahapon ng AFP sa patutsada ng Communist Party of the Philippines New People’s Army (CPP-NPA) na isang maÂlaking kahangalan umano at walang kuwenta ang mahabang ceasefire ng Pangulong Noynoy Aquino.
Una nang nagdeklara ng anim na araw na ceasefire ang CPP para sa armed wing nitong NPA rebels mula Disyembre 24 , 25, 26 at mula Disyembre 31, 2013; Enero 1 hanggang 2 ng susunod na taon.
Tinugon naman ito ng gobyerno ng 26 araw na ceasefire mula Disyembre 20, 2013 na tatagal hanggang Enero 15, 2014.
Ayon kay AFP Spokesman Major Gen. Domingo Tutaan Jr., ang mahabang tigil putukan ng pamahalaan ay patunay lamang na nais nito ng pangmaÂtagalang kapayapaan sa bansa na siyang sinisimbolo ng isinusulong na Bayanihan ng mga sundalo sa mga kanayunan.
Sa halip umanong batikusin ang mahabang tigil putukan ay mas makabubuting huminto na ang NPA rebels sa pagsasagawa ng extortion o pangingikil sa mga negosyante at maging sa paghahasik ng iba pang uri ng terorismo.