PNoy magbabakasyon din

Pinangunahan kahapon ni Pangulong Benigno Aquino­ III ang ‘inaugural drive’ sa Tarlac-Panga­sinan-La Union Expressway (TIPLEX) project. (WILLY PEREZ)

MANILA, Philippines - Magbabakasyon din ngayong holidays si Pa­ngulong Benigno Aquino III sa payo na rin ni Health Sec. Enrique Ona.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierd­a, magbabakasyon ng 1 araw ang Pangulong Aquino ngayong Dec. 27 pero gagampanan nito ang kanyang tungkulin kung mayroong pa­ngangailangan.

Posibleng umakyat sa Baguio City ang Pangulo ngayong Pasko upang mamahinga ito sa The Mansion pero muli niyang gagampanan ang kanyang tungkulin sa pagsapit ng Rizal Day sa Dec. 30.

Ayon naman sa isang source sa Palasyo, mas malamang na pumanik ang Pangulo sa Baguio City upang doon magpahinga gaya ng payo ni Sec. Ona ng DOH.

Show comments