^

Bansa

Nasawi sa Yolanda: 6,109

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pumalo na sa 6,109 ang nasawi sa bagyong Yolanda.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 27,665 katao ang sugatan habang 1,779 ang nanatiling nawawala.

May 3,424,593 pamil­ya o 16,078,181 katao o 12,139 barangay sa 44 probinsya ang naapek­tuhan, habang 890,895 pamilya o 4,095,280 katao ang nailikas.

Sa mga inilikas 20,949 pamilya o 101,527 katao ang nanatili sa mga 381 evacuation centers.

Ang nasira sa Yolanda ay tinatayang nasa P36.662 billion, kabilang sa P18.268 billion sa imprastraktura at P18.354 billion sa agrikultura.

Ang bilang naman ng mga nasirang kabahayan ay umabot na sa 1,140,332 kabilang ang 550,928 nawasak at 589,404 nasira.

Ang tulong naman na ipinarating ng pamahalaan sa mga naapektuhang pamilya ay umakyat na sa P1.218 billion.

Ang Department of Social and Welfare Development (DSWD) ay naglaan naman ng P867 million; local government units (LGUs), P116 million; Department of Health (DOH), P177 million; at non-governmental organizations/iba pang government organizations, P56 million.

vuukle comment

ANG DEPARTMENT OF SOCIAL AND WELFARE DEVELOPMENT

AYON

BILLION

DEPARTMENT OF HEALTH

KATAO

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

PUMALO

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with