Mobile money system inilunsad ng QC, usaid

MANILA, Philippines - Inilunsad ng pamahalaang lokal ng Quezon City, sa paki­kipagtulungan ng United States Agency for International Development (USAID) ng US Embassy Manila, ang isang maka­bagong ‘mobile money system’.

Ang ‘mobile money system’ na ito ay tutulong sa pamahalaan sa  real property tax assessment at collection, at sa pagkakaloob ng benepisyo sa may 10,000 government scholarship recipients at allowances sa 12,000 public school teachers.

Ang Scaling Innovation ng USAID sa pamamagitan ng Mobile­ Money (SIMM) Project ay kaugnay sa layunin ng Phi­lippine­ government na maitaguyod ang ‘financial inclusion’ sa pamamagitan ng pagpapalawak ng access ng mga mamamayan sa formal banking at financial services, at mapag-ibayo ang accountability at seguridad sa mga transaksiyon sa gobyerno sa pamamagitan ng digitization ng  sistema ng pagbabayad at pangongolekta.

Noong nakaraang taon, ang lokal na pamahalaan ay nakapagproseso ng mahigit sa 316,000 real property tax payments mula sa potensiyal na 570,000 payments ng hanggang mahigit sa PhP1 million (US$22,829). Ang educational stipends para sa mga college student ay ipinalalabas kada  semester sa halagang PhP1,500 hanggang PhP10,000 (US$34 hanggang (US$229), habang ang allowance na PhP2,000 (US$43) para sa mga guro ay kada buwan.

Bukod sa pagpapagaan sa umiiral na manual system, kabilang ang mataas na halaga ng cash handling, seguridad at ‘inefficient back end operations’, ang mobile-based fees assessment­ at collection solution na ito ay naglalayong mapadali ang government financial processes.

Show comments