MANILA, Philippines - Muling binalaan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko sa pagbili ng mga walang kalidad na mga paputok at pailaw ngaÂyong darating na Pasko at Bagong Taon.
Ngunit upang makaiwas sa panganib dulot ng mga mababang kalidad na mga paputok, hinikayat ni DTI Bureau of Product Standards officer-in-charge Gerardo Maglalang ang mga mamimili na tangkilikin ang mga produktong sertipikado ng ahensya o iyong may sticker ng Import Commodity Clearance (ICC) para sa mga imported at Philippine Standards (PS) sa mga lokal na produkto.
Sa ilalim ng BPS Product Certification Scheme, kaÂsama ang mga “fireworks†na kailaÂngang sumailalim sa “mandatory certification†para mabigyan ng lisensya para sa PS at ICC certificate. NangaÂngahulugan na ang produktong may ICC at PS stickers ay pumasa sa pamantayan ng DTI.
Nitong Nobyembre 15, 2013, nasa 14 manufacturers lamang ang naisyuhan ng DTI-BPS ng PS licenses habang wala pang naiisyuhan na ICC certificate sa mga importers.
Sinabi ni Maglalang na lahat ng importers, retailers at manufacturers na lalabag ay maaaring masampahan ng kasong paglabag sa Consumer Act of the Philippines at Standards Law. Ang mga mapapatunayang nagkasala ay maaaring pagmultahin ng hanggang P300,000 at kanselasyon ng lahat nilang mga permit at lisensya.
Responsibilidad naman ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatupad ng batas at umaresto sa mga negosyanteng lalabag.
Pinapayagan naman na maibenta sa bansa ang mga paputok tulad ng “baby rocket, bawang, maliit na triangulo, pulling strings, paper caps, El Diablo, Judah’s belt, kwitis. Mga pailaw tulad ng “sparklersâ€, lusis, fountains, Jumbo regular, Mabuhay, Roman candle, trompillo, Airwolf.
Sa listahan naman ng PNP, ipinagbabawal ang “atomic big triangulo, Super Lolo, at iba pang kahalintulad nito, Lolo Thunder, bawang (large), Plapla, watusi, Kwiton, Giant whistle, Judas belt (large), Og, Atomic Bomb, Piccolo, Goodbye Philippines at Kabas.