Xmas party ng PTLA kinansela
MANILA, Philippines - Kinansela ng Philippine Trial Lawyers’ Association (PTLA) sa pangunguna ng kanilang National President na si Atty. Pete Principe ang kanilang Christmas party na gaganapin sa Jade Vine Restaurant.
Ayon kay Principe, napagkasunduan nilang ibigay na lamang ang kanilang gagastusin sa party sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda sa Samar at Leyte.
Panawagan ni Principe, maaaring ipadala ang kanilang cash donations sa Room L2F-1 Upper Ground Floor (UG), Burgundy Transpacific Place, #2444 A. Taft Ave. Malate, Manila Ang PTLA ang pinakamalaking samahan ng mga trial lawyers sa Pilipinas na pinamumuan ni Principe.
- Latest