^

Bansa

Paliwanag ni Mayor Calixto sa Mla. Bay reclamation hingi

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakahanap ng kakampi ang Pasay City Council sa ginawa nilang pagbawi sa P54.5 bil­yong Manila Bay reclamation contract makaraang pagpaliwanagin ng Philippine Reclamation Authority (PRA) si Mayor Antonino Calixto.

Sa liham na may petsang Disyembre 10 at pirmado ni PRA General Manager Peter Anthony Abaya, hiniling nito kay Calixto na kumuha ng legal opinion sa Department of Justice (DOJ) at Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil sa pagkontra ng mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod sa pinasok na kontrata ng pamahalaan ng Pasay kaugnay sa pag-reclaim at pagdebelop sa 300 ektarya ng Manila Bay.

“May we state for the record that the PRA is not in a position to conduct a legal review of the Pasay City Council Resolution as this falls under the jurisdiction of either the DILG or the DOJ. This is precisely why this Authority is requesting the City to secure a validating legal opinion form the said agencies which have oversight functions over LGUs,” ayon sa liham ni Abaya.

Pinaalala rin ng PRA kay Calixto na may sinusundan na silang protocol na nangangaila­ngan ng rekomendasyon ng NEDA Board sa lahat ng reclamation projects base sa panuntunan ng NEDA Infrastructure Committee.

Una nang pinanindigan ng Pasay City Council ang kanilang resolusyon na bumabawi sa kontrata. Sinabi ni Councilor Richard Advincula na maaari lamang itong makuwestiyon sa korte. Tanging ang proseso sa pagpili lamang umano ang kanilang kinukuwestiyon at hindi ang kontrata sa reklamas­yon na magdadagdag sa ekonomiya ng lungsod.

 

CALIXTO

COUNCILOR RICHARD ADVINCULA

DEPARTMENT OF JUSTICE

GENERAL MANAGER PETER ANTHONY ABAYA

INFRASTRUCTURE COMMITTEE

MANILA BAY

MAYOR ANTONINO CALIXTO

PASAY CITY COUNCIL

PASAY CITY COUNCIL RESOLUTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with