MANILA, Philippines - Kung ayaw ni Pangulong Aquino na humingi ng paumanhin sa Hong Kong kaugnay sa Manila hostage crisis ay ang Kongreso na lamang ang dapat gumawa nito.
Ito ang nakasaad sa resolution at privilege speech ni Ilocos Sur Rep. Ronald Singson
Ayon kay Singson, kung ayaw ni PNoy na mag-public apology sa HK maari naman itong gawin ng Kongreso upang magkaroon na ng closure ang isyung ito.
Simpleng apology lang naman umano ang hinihingi ng Hong Kong subalit malaki ang magiging kapalit nito dahil maibabalik ang maayos na pagtrato sa libo-libong OFWs sa nasabing bansa.
Nilinaw pa ng mambabatas na ang kanyang panawagan ay hindi act of defiance o pagsuway sa paninindigan ng PaÂngulo.
Matatandaan na nakulong si Singson sa HK dahil sa drug case subalit trinato umano ito ng maayos ng mga Hongkong nationals.
Matatandaan na 8 HK tourists ang nasawi sa Manila Hostage crisis noong Agosto 10, 2010.