^

Bansa

PNR employees miyembro na uli ng GSIS

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makakabalik na sa pagiging miyembro ng Go­vernment Service Insurance System (GSIS) ang mga empleyado ng Philippine National Railways (PNR) makaraang magkasundo ang mga opisyal ng dalawang ahensya ukol sa hindi nababayarang kontribusyon.

Dahil dito, matatamasa na rin ng nasa 1,400 tauhan ng PNR ang mga benepisyo na ibinibigay ng GSIS kabilang ang aplikasyon para sa iba’t ibang uri ng loans. Kasama rito mga dating empleyado ng PNR na nagretiro na.

Ito ay matapos na magkasundo sina GSIS President Robert Vergara at PNR General Manager Allan Dilay sa pagbabayad ng huli sa “compulsory premium contributions”.

Dahil dito, otomatikong tinanggal na ng GSIS ang ipinatupad na suspensyon sa mga empleyado ng PNR. Kasama na rin ang mga ito sa makakatanggap sa cash benefit na ipamamahagi ngayong Disyembre.

Ayon sa GSIS, mula noong 2010 ay nasa 140 suspendidong ahensya na ang naibabalik bilang miyembro at nabiyayaan ang nasa 800,000 manggagawa sa pamahalaan.

Matatandaan na higit sa P17 bilyon ang pagkakautang ng PNR sa GSIS dahil sa hindi pagbaba­yad ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado dulot ng patuloy umanong pagkalugi ng train system.

vuukle comment

AYON

DAHIL

DISYEMBRE

GENERAL MANAGER ALLAN DILAY

KASAMA

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

PRESIDENT ROBERT VERGARA

SERVICE INSURANCE SYSTEM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with