MANILA, Philippines - Kaugnay sa naglabasang larawan sa ilang pahayagan, kinumpirma kahapon ng Korte Suprema na may hawak din sila ng kontrobersiyal na litrato ni Arlene Angeles Lerma, na katabi niya ang mga mahistrado at mga hukom sa isang pagtitipon noong nakalipas na taon.
Tinukoy ng committee na nag-iimbestiga sa isyu na kabilang rin ang nabanggit na litrato sa pinagbabatayan ng kanilang imbestigasyon.
Ang kontrobersyal na larawan ay lumabas sa tatlong pahayagan kahapon subalit umalma ang Mataas na Hukuman dahil maagang ipinalabas ang litrato.
Ayon sa committee, naging maingat sila na huwag munang maisapubliko ang mga dokumento na kanilang nakakalap sa imbestigasyon, kasama na ang naturang litrato, hanggang hindi pa nila natatapos ang kanilang pormal na ulat.
Ito ay dahil may posibilidad umano na lumikha iyon ng kalituhan.
Posible umano na may bahid ng katotohanan ang pinalilitaw na istorya ng larawan, pero maari din namang hindi iyon ang buong katotohanan.
Bagamat, ikinalulugod umano ng hukuman ang interes ng publiko kaugnay sa paratang na katiwalian sa hudikatura, pero ang katotohanan umano ay hindi lulutang nang dahil sa agarang pagpapalabas ng anila’y incomplete pictures o suggestive images.
Nasa naglabasang ulat na si Lerma ay kaibigan ng mga mahistrado at mga hukom kung saan ilan dito ang nagretiro na.
Siya din ang tinutukoy umano na maimpluwensiya sa hudikatura o ‘decision broker’ at may kinalaman maging sa pinakahuÂling eleksiyon ng Philippine Judges Association (PJA).
Si Lerma ay kaibigan umano ni Manila Vice Mayor Isko Moreno, na batay sa mga napaulat na siya umamin na maraÂming beses na nakakasama ng kaniyang kumareng si Arlene Lerma sa mga pagtitipon ng mga maÂhistrado at hukom.
Samantala, kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na hindi pa nakababalik sa Pilipinas si “Ma’am Arlene†na umalis ng bansa noong Oktubre 16, 2013 patungo sa Singapore para magpagamot.