^

Bansa

Sumablay sa requirements dinisqualify ng BAC-DND

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May karapatan ang Bids and Awards Committee ng Department of National Defense (BAC-DND) na i-disqualify ang Kolon Global Corporation na sumablay sa post qualification requirements kaugnay sa bid nitong mag-supply ng 44,080 pirasong armor vests na natuklasang mababang uri at substandard.

Ang layunin ng post-qualification ay beripikahin, siyasatin at subukin kung ang technical speci­fications ng produktong iniaalok ay nakatugon sa pangangailangan ng kontrata at bidding documents. Hindi pinahihintulutan dito na ang procuring entity ay magpasiya na balewalain ang mga requirements na isinaad nito bilang mahalagang bahagi ng produktong ipina-bid nito.

Inihalimbawa ng BAC-DND  na  kapag nag­pa-bid ang gob­yerno ng isang kilong bigas at natuklasan sa post qualification na ang produkto ng nanalong bidder ay 999 gramo lamang, may karapatan ang nagpa-bid na i-disqualify ito dahil dapat na eksaktong isang kilo ang produkto batay sa estriktong pagpapatupad ng Republic Act No. 9184 (Phil. Govt. Electronic Procurement Services Act).  Anumang kabawasan ay agad-agad na malinaw na bag­sak sa “Pass-Fail Criteria” na sinusunod sa post-qualification standards.

Kaugnay nito, nabistong nagnakaw ng trade secrets sa DuPont Co., isang American company, ang Kolon Industries, isang South Korean-owned company, na may kaugnayan sa Kolon Global­ Corp. para makaiwas sa asunto sa US District Court sa Alexandria­, Virginia­.

Ayon kay Neil H. MacBride, U.S. attorney for the Eastern District of Virginia, nasangkot ang Kolon sa ilegal na sabwatan mula noong 2002 hanggang 2009 para nakawin ang ‘trade secrets’ ng DuPont sa paggawa ng Kevlar bullet-proof vests.

Pinagkalooban ng Richmond Court ng danyos (punitive damages) na $920 milyon ang DuPont.  Pinagbawalan din ang Kolon na magbenta sa Amerika ng Heracron vests nito na kakumpentensiya ng Kevlar sa loob ng 20 taon matapos umamin ang consultant ng South Korean firm na si Michael Mitchell na nagbigay ito ng trade secrets ng DuPont.

Nagtrabaho si Mtchell ng halos 24 taon sa DuPont at matapos sibakin noong 2006,ipinasa nito ang impormasyon kung paano ginagawa ang Kevlar vests na kinopya naman ng South Korean firm na Kolon. Nahatulan mabilanggo ng 18 buwan noong Marso 2010 si Mitchell matapos umaming nagkasala sa kasong theft of trade secrets at obstruction of justice.  Hiniling naman ng DuPont na ipa-extradite ang limang opisyal ng Kolon para malitis sa Amerika at mahatulan tulad ni Michell.

 

AMERIKA

BIDS AND AWARDS COMMITTEE

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

DISTRICT COURT

EASTERN DISTRICT OF VIRGINIA

ELECTRONIC PROCUREMENT SERVICES ACT

KEVLAR

KOLON

SOUTH KOREAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with