DOLE employees binigyan ng 10K anniv. bonus

MANILA, Philippines - Nagkaloob si Pangulong Benigno Aquino III ng P10,000 anniversary bonus sa mga empleyado ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sinalubong naman ng palakpakan si Pangulong Aquino ng ihayag nito ang P10,000 anniversary bonus ng bawat empleyado ng DOLE para sa kanilang ika-80 anibersaryo.

Pinuri din ng Pangulo ang magandang performance ng DOLE sa pamumuno ni Sec. Rosalinda Baldoz.

Ibinuking din ni PNoy na may isang ahensiya ng gobyerno na nagdiwang ng kanilang anibersaryo pero hindi niya inaprubahan ang anniversary bonus ng mga ito dahil sa kanilang ‘poor performance’.

Nagbiro pa ang Pangulo na nais sana niya ay P20,000 ang ibigay na bonus sa mga empleyado ng DOLE subalit hindi daw ito uubra dahil baka magtampo ang ibang ahensiya ng gobyerno.

Show comments