17 bihag ng Sayyaf sasagipin
MANILA, Philippines - Sinigurado kahapon ng Malacañang na ginagawa lahat ng gobyerno ang paraan upang mapalaya ang nasa 17 katao na nasa kamay pa ng bandidong Abu Sayyaf.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office head Herminio Coloma Jr., bahagi ng gobyerno ang ipatupad ang mga batas sa bansa at maliwanag na patuloy na lumalabag sa batas ang mga bandidong grupo.
Pangungunahan umano ng Armed Forces of the Philippines ang pagtugis sa Abu Sayyaf upang mabawi ang kanilang mga bihag.
Ang Abu Sayyaf ang pinaniniwalaang nasa likod ng pagdukot kay Jordanian television journalist Baker Atyani, na nakawala kamakailan matapos ang 18 buwang pagkakabihag.
Nawala si Atyani noong Hunyo 2012 kasama ang kanyang dalawang Filipino crew na unang nakawala sa mga dumukot sa kanila.
- Latest