^

Bansa

DND bidding pinanindigan

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanindigan ang Department of National Defense (DND) sa pinal na desisyong i-disqualify ang Korean firm na Kolon Global Corporation matapos matuklasan na mababang uri at substandard ang produkto nito kaugnay sa bidding upang mag-supply ng 44,080 pirasong armor vests.

Ayon kay DND-Bids and Awards Committee chairman Asec. Efren Q. Fernandez, ang pasiya ng BAC ay ibinatay sa istriktong pagtupad sa 9184 (Phil. Govt. Electronic Procurement Services Act) at nakabase sa natuklasan ng lupong Assessment/Post-Qualification sa ilalim ni  General Essel Soriano (Ret.), ang pinakamataas na technical working group na kumatawan sa Philippine Army at Marines.

Inihayag ito ng DND para maiwasto ang ma­ling ulat na ipinakakalat ng Kolon na nag-alok ng armor vest na ang metal plate nang sukatin ay hindi tumugon sa teknikal na nakasaad sa bid document kaya idineklarang substandard at mahinang klase.

Nagsimula noong 2012 ang bidding  sa suplay ng 44,080 pirasong  armored vests para sa Army at Marines na nagkakahalagang P1.76 bilyon at binuksan ang mga bid nitong Abril na apat na kompanya ang nag-qualify bilang pinakamababang bidders sa pangunguna ng Kolon ng Korea; Merkata ng Serbia; JV Achidatex Nazareth Elite ng Israel at MKU Private Ltd. ng India.

Nilinaw ni Fernandez na hindi komo’t may pinakamababang bid ay awtomatikong ibibigay sa Kolon ang proyekto dahil may post-qualification, assessment at analysis na pinakamahalagang yugto ng bidding pro­cess kung saan bumagsak ang produkto ng nasabing kompanya.

ACHIDATEX NAZARETH ELITE

BIDS AND AWARDS COMMITTEE

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

EFREN Q

ELECTRONIC PROCUREMENT SERVICES ACT

FERNANDEZ

GENERAL ESSEL SORIANO

KOLON

KOLON GLOBAL CORPORATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with