P14.6-B supplemental budget pasado na sa Senado
MANILA, Philippines - Pumasa na kahapon sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang P14.6 bilÂyon supplemental budget ngayong taon.
Ang nasabing pondo ay gagamitin bilang calamity funds para sa mga sinalanta ng kalamidad lalo na ng bagyong Yolanda.
Labing-limang senador ang bomoto ng pabor sa pagpasa ng nasabing budget.
Matatandaan na isinulong ng mga senador na magkaroon ng karagÂdagang supplemental budget na kukunin sa hindi nagamit na Priority Development Assistance Fund (PDAF) na kilala rin sa tawag na “pork barrel†funds.
Idineklara ng Supreme Court na unconstitutional ang PDAF kaya minabuti ng mga mambabatas na gawin na lamang supplemental budget ang hindi pa nagagamit na pondo upang hindi bumalik sa National Treasury.
- Latest