MANILA, Philippines - Umaabot sa 80 pang mga naagnas ng bangkay sa super bagyong Yolanda ang natagpuang nakalutang habang ang iba ay nakasabit sa mga bakawan sa may paanan ng San Juanico Bridge sa Tacloban City, Leyte.
Sinabi ni Lt. CommanÂder Gregory Fabic, ang nasabing mga bangkay ay ipinagbigay alam ng isang brgy. chairman na tinukoy lamang sa pangalang Macauba.
“More or less 80 bodies were scattered at the mangrove area vicinity of Peerless Village, located at Brgy Bagacay of Tacloban City & mangrove area along San Juanico Strait & the bodies are in the state of decomposition remained floating under the mangrove trees,†ayon sa opisyal.
Gayunman, ayon sa isang opisyal ng militar sa Tacloban ay 10 pa lamang sa nasabing mga bangkay ang naiahon mula umaga hanggang nitong Martes ng hapon dahil kailangan ng mga heavy equipment para makuha ang nakaÂsabit na mga bangkay sa mga bakawan.
Sinabi naman ni Sr. Supt.Pablito Cordeta, Commander ng Task Force Cadaver na mula Nobyembre 15 hanggang Disyembre 3 ay umaabot na sa 2,215 ang narerekober na bangkay sa kanilang paggalugad sa kalupaan ng Tacloban City.
Sa tala ng Tacloban City Disaster Risk Reduction and Management Council ay nasa 2,116 ang narekober na bangkay habang sa rekord ng NDRRMC ay tumaas na sa 5,719 ang death toll.
Kung susumahin ay nasa 5,818 na ang bilang ng patay pero marami pa sa mga narekober ay hindi na nabilang partikular na sa mga isla at maging ang mga nailibing ng mga residente sa lugar.