MANILA, Philippines - Isinusulong sa Kamara ang panukalang nagbibigay protection para sa karapatan ng mga illegitimate children sa bansa.
Sa inihaing House Bill 3188 ni Gabriela Partylist Reps. Emmi de Jesus at Luzviminda Ilagan, pinaÂamyendahan nito ang Executive Order 209 o Family code of the Philippines.
Nakasaad sa panukala na masiguro ang proteksyon ng mga batang isinilang na hindi kasal ang mga magulang at masiguro na mapapangalagaan ang kanilang karapatan laban sa anumang uri ng diskriminasyon.
Bukod dito dapat din na ang maternal affiliation ng bawat batang illegitimate ay dapat nakabatay sa impormasyon hinggil sa kapanganakan nito, paternal affiliation na may voluntary recognition o sa pamamagitan ng judicial decision.
Nakasaad din sa HB 3138 na ang scientific evidence ay dapat maging admissible at maaaring makatulong para ma-establish ang paternity sakaling hindi man ito kilalanin.
Kabilang din sa mga co-author ng nasabing panukala ay sina Bayan Muna Party-list Reps. Neri Colmenares at Carlos Isagani Zarate, Kabataan Party-list Rep. James Mark Terry Ridon, Anakpawis Party-list Fernando Hicap at ACT Party-list Rep. Antonio Tinio.