2 pang C-130 kukunin ng DND

MANILA, Philippines - Plano ng Department of National Defense na kumuha ng dalawa pang Lockheed C-130 “Hercules” cargo planes para sa Philippine Air Force (PAF).

Ayon kay Defense Secretary Voltaire Gazmin, ang nasabing plano ay parte ng pagnanais ng DND na iangat at higit na mapahusay ang PAF sa iba’t ibang misyon kabilang ang pagbibigay ng mga relief sa mga sinalantang lugar.

Ang C-130s ang kasalukuyang tagapaghatid panghimpapawid ng pamahalaan sa patuloy na relief missions sa mga probinsiyang tinamaan ng bagyong Yolanda.

Sa ngayon ang PAF ay may tatlong C-130s sa kanilang kagawaran.

 

Show comments