Ulat panahon

MANILA, Philippines - Ang Cagayan Valley, Kabikulan, Silangang Kabisayaan, Aurora at Quezon ay maulap na may katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan at pakidlat-pagkulog na maaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa. Ang Metro Manila at ibang bahagi ng Luzon ay maulap ang papawirin na may mahinang pag-ulan. Ang nalalabing bahagi bansa ay bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog. Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa hilagang-silangan ang iiral sa Luzon at Kabisayaan at ang mga baybaying-dagat sa mga lugar na ito ay magiging katamtaman hanggang sa maalon. Sa ibang dako, ang hangin ay magiging mahina hanggang sa katatamtaman na may banayad hanggang sa katamtaman pag-alon ng karagatan. Sisikat ang araw bandang alas-6:02 ng umaga at lulubog bandang alas-5:24 ng hapon. (PAGASA)

 

Show comments