MANILA, Philippines - Dinoble na umano ng mga Ampatuan ang kanilang alok na P25 million sa bawat pamilya ng mga biktima ng karumal-dumal na Maguindanao massacre para manahimik at huwag nang isulong pa ang kaso.
Nabatid kay Sonny Fernandez,director ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), may report umano na itinaas na ng mga Ampatuan sa P50 million ang kanilang “areglo†sa bawat biktima kapalit ng hindi na pagsasampa pa ng kaso.
Bagaman “tempting†umano ang P50 milyong halaga ay wala ni isa sa mga kaanak ang interesadong tanggapin ito dahil desidido ang mga ito na maipakulong ang mga akusado.
Ang kaso ng Maguindanao massacre noong 2009 na kumitil sa buhay ng 58 indibidwal kabilang na ang 32 mediamen ay hindi pa nareresolba at wala pang napapanagot.
Ayon pa kay Fernandez, 88 sa mga suspek na karamihan ay miyembro ng Ampatuan clan ang patuloy pa ring nakakalaya habang tatlong paÂngunahing testigo na ang napatay.
Ang masaklap pa anya, wala ni isa sa mga akusado kabilang si Andal Jr., ang nahahatulan dahil hanggang sa kalukuyan ay nasa presentation pa rin ng mga witness ang prosekusyon samantalang mahigit 400 mosyon na ang naisampa sa korte ng mga Ampatuan na umano’y taktika para maantala ang kaso.
Sa House Resolution no. 520 ni Quezon City 6th district Rep. Kit Belmonte, hinikayat nito si Pangulong Aquino na bigyan ng espesyal na interes ang kaso na tinawag nitong “single deadliest attack on the media on recordâ€.
Napuna ng mambabatas na sa 195 na akusado tanging 104 lamang ang nakasuhan kabilang ang walo sa miyembro ng Ampatuan clan.
Dapat din umanong madaliin ng mga awtoridad ang pag-aresto sa mga akusado sa massacre na nanatiling nakakalaya habang dapat din bigyan ng tulong ang pamilya ng mga biktima ng massacre.
Kahapon ay nagsagawa ng human chain sa Roxas blvd. ang grupo ng mga mamamahayag sa pangunguna ng Philippine Press Institute para kondenahin ang mabagal na pag-usad ng kaso.
Ayon sa PPI, dapat nang makamit ang hustisya para sa mga biktima at kanilang pamilya.