^

Bansa

Delfin Lee inabsuwelto ng CA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inabsuwelto ng Court of Appeals  (CA) si Globe Asiatique President Delfin Lee sa kasong syndicated estafa.

Ang kaso ay nag-ugat sa mahigit P7-bilyon maanomalyang pautang na inaprubahan ng Pag-ibig Fund para sa diumano’y mga bumili ng bahay sa hou­sing project ng kumpanya sa Mabalacat, Pampanga na nadiskubreng “ghost borrowers” .

Sa 29-pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Franchito Diamante, pinawalang bisa rin ng CA special 15th division ang warrant of arrest na ipinalabas ng Pampanga Regional Trial Court laban kay Lee.

Sa nasabing kautusan, inaprubahan ng appellate court ang petition for certiorari na inihain ni Lee at inatasan si Judge Ma. Amifaith Fider-Reyes ng San Fernando,  Pampanga RTC Branch 42 na itigil na ang pag-usad ng kasong kriminal laban kay Lee.

Samantala, sinabi naman ni  Justice Sec. Leila de Lima na   tuloy pa rin ang pagtugis ng NBI at PNP kay Lee dahil hindi pa umano pinal ang kautusan ng CA.

Sinabi ni De Lima, maghahain sila sa CA ng motion for reconsideration sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General para hilinging baligtarin ang nauna nitong desisyon.

vuukle comment

AMIFAITH FIDER-REYES

ASSOCIATE JUSTICE FRANCHITO DIAMANTE

COURT OF APPEALS

DE LIMA

GLOBE ASIATIQUE PRESIDENT DELFIN LEE

JUDGE MA

JUSTICE SEC

OFFICE OF THE SOLICITOR GENERAL

PAMPANGA

PAMPANGA REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with