^

Bansa

Foreign aid ilalagay sa website

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang magkaroon ng transparency at mawala ang mga pagdududa kung saan napupunta ang mga foreign donations na natatanggap ng gobyerno para sa mga biktima ng bagyong Yolanda, ipinag-utos na ni Pangulong Aquino ang paglalagay nito sa isang website.

Ayon kay Deputy Pre­sidential Spokesperson Abigail Valte, posibleng sa darating ng linggo ay makita na online ang nasabing website kung saan itatala kung magkano ang natanggap na foreign donations, sinong opisyal at anong ahensiya ng gobyerno ang responsable rito at kung saan ito napunta.

Hinikayat rin ni Valte ang mga pribadong orga­nisasyon na i-report ang mga natatanggap ding foreign donations dahil hindi lahat ng foreign donors ay dumadaan sa gobyerno.

Nauna ng sinabi ng ilang senador na ang perang natatanggap ng gobyerno bilang do­nasyon ay maaring i-audit ng Commission on Audit pero hindi kasama ang pe­rang natatanggap ng mga pribadong organi­sasyon o indibiduwal.

AYON

DEPUTY PRE

HINIKAYAT

NAUNA

PANGULONG AQUINO

SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

UPANG

VALTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with