MANILA, Philippines - Pormal nang sinampahan ng kaso sa Department of Justice ng Bureau of Customs ang isang South African matapos na masabat sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dala nitong yielded 8.5 kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng P40 milyon.
Paglabag sa Section 3601, na may kaugnayan sa Section 101 ng Tariffs and Customs Code of the Philippines ang isinampa laban kay Debbie Reyneke ni Customs Commissioner Ruffy Biazon kasama si Customs Deputy Commissioner for Revenue Collection and Monitoring Group Maria Edita Tan.
Ayon kay Biazon, ang pagkakadakip kay Reyneke ay bunsod ng intelligence network ng ahensiya. Nakatanggap sila ng report na may dalang illegal drug ang suspect na mariin naman nitong itinanggi.
Dumating sa bansa si Reyneke mula Dubai sakay ng Emirates Airlines noong Oktubre 23.
Subalit nang tingnan ang luggage nito nadiskubreng positibo itong may dalang cocaine na kinumpirma naman ng Philippine Drug Enforcement Agency .
Babala ni Biazon, walang makalulusot sa kanila lalo pa’t iligal ang mga kargamento at iligal na droga.