MANILA, Philippines - Inulan ng protesta ng mga manggagawa sa pangunguna ng militanteng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) ang head office ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) upang iproÂtesta ang P1,200 taas sa premium contributions para sa mga OFWs.
“The PhilHealth premium hike is a grave injustice to our migrant workers. With all callousness, the Aquino administration still wants to squeeze out more from our OFWs after abandoning and allowing them to be abused, exploited, hunted like criminals and executed abroad,†pahayag ni Rogelio “Roger†Soluta, Secretary General ng KMU.
Ang mga OFW PhilHealth members ay magbabayad ng P1,200 bilang annual contributions simula January 1, 2014.
Una rito, ang PhilHealth ay nagpatupad ng 200 percent increase sa premium sa kada miyembro mula noong nakaraang taon. Mula sa P1,200 ay ginawang P1,800 o P600 taas kada taon o P50 taas kada buwan.
Batay sa ulat ng Commission on Audit (COA), noong 2012 ang PhilHealth ay nagpalabas ng P1.48 bilyong bonus sa kanilang mga opisyal kahit na bumaba ang kita mula P2 bilyon hanggang P2.37 bilyon.
“Why do we need to pay more for their serÂvices when the PhilHealth already has billions to allot just for its board members? Why would we pay more for our healthcare when this government has already extorted exorbitant taxes from us workers?†giit ni Soluta
Binigyang diin ng naÂturang grupo na hindi na kailangang tumanggap ng bonuses ang mga opisyal ng PhilHealth bagkus ay ayusin at pagandahin na lamang nito ang serbisyo sa mga miyembro nationwide.