Ex-CJ Narvasa gagawaran ng full honors – SC

MANILA, Philippines - Dadalhin ngayon  sa Supreme Court ang abo ni dating Chief Justice Andres Narvasa at  inaasahang ibuburol sa en banc session hall ng kataastaasang hukuman  kung saan mayroong gagawing programa bilang pag-alala at pagkilala sa naging buhay at serbisyo ng dating punong mahistrado.

Una rito, pinag-aaralan na rin ng Palasyo ang special citation na maaaring igawad kay  Narvasa.

Sinabi ni Presidential Deputy Spokesperson Abigail Valte, aalamin nito kay Pangulong Benigno Aquino III kung anong award ang nararapat kay dating CJ Andres Narvasa na nagbigay ng kontribusyon sa bansa lalo na sa hudikatura. Nagsilbi siyang chief justice ng Pilipinas mula December 1, 1991 hanggang November 30, 1998.

Show comments