MANILA, Philippines - Pinabulaanan kahapon ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang mga alegasyon na sinuspinde umano ng PCSO ang pagproseso ng mga guarantee letters para sa medical assistance at kahalintulad na mga kahilingan.
Ang guarantee letter (GL) ay isang klase ng promissory note na ipinapalabas ng PCSO para sa mga ospital at iba pang healthcare provider tulad ng sa mga dialysis center at tinitiyak sa mga ito na babayaran ng ahensiya ang naaprubahang bills at obligation ng pasyente.
“Hindi totoo ang tsismis na hindi pinoproseso ng PCSO ang mga kahiÂlingan ng mga pasyente para sa mga GL. Sana huwag magpalinlang ang publiko sa ganitong maÂling impormasyon,†pagÂlilinaw ni PCSO General Manager Jose Ferdinand M. Rojas II. “Tinitiyak namin sa lahat na tumatanggap pa rin kami ng mga ganitong kahilingan sa ilalim ng karaniwang panuntunan.â€
Ipinaliwanag naman ni PCSO Charity Sector Assistant General Manager Larry Cedro na “para matiyak ang makatarungan at matipid na paggasta sa pangkawanggawang pondo ng PCSO, maingat naming sinusuri ang mga kahilingan para maalis ang mga pekeng kahiliÂngan, na talamak sa naunang administrasyon.â€
Idiniin ni Cedro na ang mga kahilingan ay dapat lakipan ng mga kinakailangang dokumento batay sa mga patakaran at PCSO at regulasyon ng Commission on Audit.
“Hindi mapoproseso ang mga request na kulang sa mga dokumento,†sabi pa ni Cedro. “Ang medical abstract, treatment protocol, at prescriptions ay dapat merong lagda ng attending physician kasama ng kanyang license number at ang hospital bills ay may lagda ng cashier or collection officer.â€