MANILA, Philippines - Nagpapatuloy ang serye ng tatlong-araw na “Ang Salita ng Diyos ay Katotohanan!†na Pandistritong Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova na idinaraos sa Assembly Hall ng mga Jehova’s Witnesses sa Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City.
Matapos ilunsad noong nakaraang buwan, mayroon pang 8 kombensiyon na isasagawa sa Metro Manila mula Nobyembre 8-10 at magpapatuloy sa magkakasunod na dulo ng sanlinggo hanggang Disyembre 20-22.
“Makahulugan ang tema ng kombensiyon sa taong ito dahil idiniriin nito ang isang bagay na mahalaga sa mga pamilyang Saksi ni Jehova. Para sa mga pamilyang Saksi, ang Bibliya ang pinakamaaasahang gabay at mapagkukunan ng payo sa maligalig na panahong ito. Naniniwala kaming makikinabang din at masisiyahan ang publiko sa praktikal na programang ihaharap sa iba’t ibang paraan,†ayon sa tagapagsalita ng mga Saksi.
Tuwing Biyernes, ang programa ay batay sa “Ang Katotohanan ay Magpapalaya sa Inyoâ€.
Ang bawat sesyon ay nagsisimula sa alas-8:20 ng umaga. Ito ay walang bayad at inaanyayahan ang lahat ng dumalo.
Sa darating na Disyembre 27-29, isang katulad ng Kombensiyon ang ihahatid sa wikang pasenyas (Filipino Sign Language) para sa kapakinabangan ng mga may kapansanan sa pandinig. Gaganapin ito sa Tanghalang Pasigueño, Pasig City.