^

Bansa

Nag-suicide na policewoman, 17 pa isinailalim sa paraffin test

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinalang `sa paraffin test  ang bangkay ng isang lady cop  na natagpuang patay matapos mag-suicide, gayundin ang may 17 pang police personnel ng PNP-Crime Laboratory (PNP-Crime Lab ) sa Camp Crame.

Ayon kay PNP Spokesman P/Sr. Supt. Wilben Mayor, ito’y upang mabatid ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ng biktimang si Inspector Romelou Medina.

Si Medina, 35,  ay na­tagpuang patay sa Finance Section ng PNP-Crime Laboratory dakong alas-7:30 ng umaga noong Huwebes.

Ayon kay Mayor bukod kay Medina, lahat ng police personnel ng PNP Crime Laboratory na naka-duty mula alas-8 ng umaga noong Oktubre 30 hanggang alas-8 ng umaga nitong Oktubre 31 ay isinalang rin sa paraffin test.

Gayunman, base sa pags­usuri ayon kay Mayor ay negatibo sa gun powder burns ang 17 police personnel na naka-duty sa PNP-Crime Lab  bago nadiskubre ang bangkay ni Medina na siya lamang tanging lumitaw na positibo sa gun powder burns sa  paraffin test.

“Medina’s right hand is positive for gun powder burns meaning she could have fired a gun  but this is not yet conclusive”, ani Mayor na sinabing tinatapos pa ang resulta ng imbestigasyon.

Magugunita na noong Huwebes ng umaga sa kasagsagan ng paghahanda sa security operations kaugnay ng paggunita sa Undas ay nagulantang ang buong PNP Headquarters sa pagkakadiskubre sa bangkay ni Medina sa tanggapan ng PNP-Crime Laboratory.

Ang nasabing opisyal miyembro ng Manila Police District Crime Laboratory Office ay sumasailalim sa Basic Course at Modified Field Training Program sa nasabing tanggapan upang higit pang ma­ging bihasa bilang forensic expert.

Si Medina ay may isang tama ng bala sa kanang sentido mula sa cal 9 MM na service pistol nito na natagpuan rin sa tabi ng kaniyang bangkay.

AYON

BASIC COURSE

CAMP CRAME

CRIME

CRIME LAB

CRIME LABORATORY

FINANCE SECTION

PNP

SI MEDINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with