PNoy nag-ikot sa mga terminal

MANILA, Philippines - Nag-ikot kahapon si Pangulong Aquino sa mga terminal upang masiguro ang seguridad ng taumbayan lalo ang uuwi sa kanilang mga probinsya para sa Undas.

Unang nagtungo ang Pangulo sa North Port Passenger terminal sa North Harbor sa Tondo, Maynila.

Kasunod na binisita nito ang Southwest Integrated provincial transport system terminal sa Uniwide Coastal Mall sa Baclaran, Parañaque City saka dumiretso sa NAIA terminal 3.

Magugunita na inatasan nito ang lahat ng ahensiya ng gobyerno na siguruhin ang seguridad ng mga pasahero sa lahat ng terminals na uuwi sa kanilang mga probinsiya sa Undas weekend.

Binisita na kamakalawa ng Pangulo at mga kapatid nito ang puntod ng kanilang mga magulang sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.

Show comments