MANILA, Philippines - Labing siyam na lalawigan ang nakataas sa public storm warning signal dahil sa patuloy na paghagupit ng bagyong Vinta sa bansa.
Iniulat ng PAGASA na nakataas sa storm signal number 2 ang mga lalawigan ng Cagayan, Calayan Group of Island, Babuyan Group of Island, Isabela, Kalinga at Apayao samantala signal number 1 sa Ilocos Norte, Mt. ProÂvince, Abra, Ilocos Sur, La Union, Benguet, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Pangasinan, Nueva Ecija at Batanes Group of Islands.
Alas-5 ng hapon kahapon, ang bagyong Vinta ay namataan sa layong 610 kilometro silangan ng Ilagan, Isabela o 645 kilometro silangan ng Tuguegarao City taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 85 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 100 kilometro bawat oras.
Si Vinta ay kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 23 kiloÂmetro bawat oras.
Sa Biyernes ng umaga, November 1 ay inaasahang nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.