MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na agad matatanggap ng mga guro ang kanilang honorarium matapos na sila ay nagsilbing Board of Election Tellers (BET) sa idinaos sa barangay election kahapon.
Ayon kay DepEd Undersecretary Alberto Muyot, ngayong araw na ito o kaya ay bukas ng umaga ay maibibigay na sa mga guro ang kanilang honorarium.
Sinabi ni Muyot, cash na matatanggap ng mga BET ang P2,000 na sahod at P500 travel allowance dahil sa kanilang ibinigay na serbisyo at pagsisilbi sa halalan.
Inihayag pa ni Muyot na wala silang natanggap na report na nagkaroon ng harassment sa mga guro na nagsilbing BET sa election.
Hinggil naman sa kahilingan ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) na gawing rest day para sa mga guro ngayong araw (Oktubre 29), iginiit ni Muyot na nasa pasya o discretion ito ng kanilang principal.