MANILA, Philippines - Suportado ng Palasyo ng Malacañang ang hakbang ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang tulungan ang menor de edad na dalagitang karelasyon ng 60 anyos na folk singer na si Freddie Aguilar.
Sinabi ni Sec. Herminio Coloma Jr. ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na tungkulin ng DSWD na tulungan at bigyan ng counsel ang mga magulang ng babae gayundin ang menor de edad na nasasangkot.
“Nais pagpayuhan ng DSWD ang mga magulang at ibang taong nasasangkot, iyong pong menor de edad na sangkot po dito. Gusto rin naming makausap si Mr. Aguilar. Ibig sabihin po ng DSWD, ‘katungkulan namin sa ilalim ng batas na pangalagaan ang mga menor de edad pero ginagawa namin ito nang may pagkasensitibo kaya dayalogo ang paraan,†sabi pa ni Coloma.
Sinabi niya na sinusuportahan ng Malacañang ang naging hakbang ni DSWD Secretary Dinky Soliman kaugnay sa siÂnaÂÂsabing May-December love affair na sangkot ang singer na nagpasikat sa kantang “Anakâ€.
Magugunita na umaÂmin mismo si Aguilar na ang kanyang nobya ay isang 16-anyos na dalagita na mula sa lalawigan ng Mindoro at wala naman daw pagtutol ang mga magulang nito sa kanilang relasyon.