P1B suporta sa mahihirap na may Cancer isinulong

MANILA, Philippines - Isinumite ni Las Piñas Rep. Mark A. Villar ang House Bill No. 3200 na naglalayon na tulungan ang mahihirap na pas­yente na may cancer at ang kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng paglalaan ng â€˜cancer assistance fund’.

Ang cancer ay pa­ngatlo sa pangunahing sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas. Apat na Pilipino ay namamatay sa cancer bawat oras habang 189 sa bawat 100,000 Pilipino ay may cancer.

Ayon sa datos ng Department of Health, 85,000 bagong cases ng cancer ang naitatala kada taon sa bansa at ito ay tinatayang dodoble pa sa susunod na dekada.

“Habang dumadami ang bilang ng may sakit na cancer at namamatay sanhi nito sa ating bansa, patuloy din ang pagdami ng ating mga kababayan na hindi makayanan ang gastos sa gamot at pagpapagamot,” ani Villar.

Dagdag pa niya, “kung ang middle class ay hindi makaya ang presyo ng pagpapagamot, paano pa kaya ang mga mahihirap.”

Sa ilalim ng panukala ni Villar, magkakaroon ng pangangalaga at tulong sa mahihirap na cancer patients at sa kanilang mga pamilya. Maglalaan taun-taon ng P1 bilyon para rito na pamamahalaan ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).  

Ang prayoridad ng programa ay ang mga mahihirap na cancer patients na pipiliin ng PhilHealth at ng DSWD at DILG.

 

Show comments