^

Bansa

Karahasan sa bgy. polls tumaas na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat na araw bago ang barangay elections sa Lunes, tumaas ang insidente ng Election Related Violence (ERVis) sa bansa.

Sinabi ni P/Sr. Supt  Wilben Mayor, spokesperson ni PNP Chief Director General Alan Purisima, kumpara sa 25 insidente ng ERVIs noong bgy. elections noong Oktubre 25, 2010 ay bahagya itong tumaas sa kasalukuyan na nasa 30 na ang bilang.

Ang naitalang 30 karahasan ay simula Setyembre 28 hanggang Oktubre 24 lamang.

Handa naman ang PNP na bantayan ang nasa 36,768 polling centers sa buong bansa.

Nakahanda rin ang nasa 1,724 pulis para magsilbing Special Board of Election Tellers sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) partikular na sa Maguindanao na tumatanggi ang mga guro na gampanan ang kanilang tungkulin sa eleksyon.

Una nang sumailalim sa pagsasanay ng Co­melec ang nasabing mga pulis na magsisilbing Board of Election Tellers.

AUTONOMOUS REGION

BOARD OF ELECTION TELLERS

CHIEF DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

ELECTION RELATED VIOLENCE

MUSLIM MINDANAO

OKTUBRE

SPECIAL BOARD OF ELECTION TELLERS

SR. SUPT

WILBEN MAYOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with