SK hanggang Nob. 30 lang

MANILA, Philippines - Hanggang Nobyembre 30 lamang ang pananatili ng mga opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) sa buong bansa.

Ito ang paalala ng Commission on Elections kung saan tiniyak ni Comelec spokesman, Executive Director James Jimenez na wala ring magaganap na holdover dahil suspendido ang halalan.

Kasunod nito ay tiniyak ni Jimenez na matutuloy pa rin ang SK elections na maaaring idaos sa October 2014 na pinakamaaga at ang pinaka-late na ay sa February 22, 2015.

Inaasahan ng Comelec na sa naturang petsa ay mayroon ng nagawang amendment ang Kongreso sa SK law.

Show comments