Misuari, 3 pa nasa lookout order ng BI

MANILA, Philippines - Isinailalim na ng Bureau of Immigration (BI) sa lookout order si Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari at tatlong iba pa. 

Bukod kay Misuari, na kilala din sa pa­ngalang Nurulaji Misuari at Nur Pining Misuari, kasama rin sa minamat­yagan ngayon ng Immigration Lookout Bulletin sina, Ustadz Habier Malik, Bas Arki at Assamin Hussin. 

Ang nasabing ILB ay kaugnay sa ginawang paghahasik ng kaguluhan ng mga nasabing respondent sa Zamboanga City na tumagal ng tatlong linggo

Una nang ipinagharap ng Department of Justice ang mga nabanggit na indibidwal at iba pa ng kasong rebelyon at pag­labag sa Republic Act No. 9851 o Philippine Act on Crimes Against International Humanita­rian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity.

Show comments