Dagdag benepisyo sa naulila ng mga sundalo, pulis - Villar

MANILA, Philippines - Isinusulong ni Las Piñas Rep. Mark Villar ang House Bill No. 6636 na naglalayong magbigay ng dagdag na benepisyo sa mga naulila ng mga mi­yembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na namatay sa “actual combat”.

“Ang AFP at PNP ay ang mga tagapagtanggol natin at ng ating bayan. Sila ang mga nagbubuwis ng buhay para gampanan ang kanilang tungkulin at siguruhin ang kapa­yapaan at katahimikan ng lipunan. Karapat-dapat lamang na bigyan natin ng karagdagang benepisyo ang kanilang mga naulila,” ani Villar.

Ang mga incentives sa ilalim ng panukalang batas ni Villar ay karagdagan sa mga kasalukuyang ibinibigay sa ilalim ng Republic Act 340 o ang ‘Armed Forces Retirement Law’ at ng R.A. 8551 o ang ‘Philippine National Police Reform and Reorganization Act of 1998’.

Sa panukala ni Villar, ang mga namatay ‘in the line of duty and while in active service’ na miyembro ng AFP at PNP ay makakatanggap ng additional P10,000 bilang one-time assistance at buwanang pension na P2,000.

Show comments