Pagharap ni Napoles inaabangan

MANILA, Philippines - Tiwala si House Spea­ker Feliciano Belmonte Jr. na magiging kapaki-pakinabang ang pagharap ni Janet Lim Napoles sa Senado sa susunod na linggo.

Ayon kay Belmonte, sa pagharap ni Napoles sa Senate Blue Ribbon Committee ay maaari na nitong pangalanan ang lahat ng sangkot sa pork barrel scam maging kaalyado man ito ng administrasyon o hindi.

Ito na rin umano ang pagkakataon upang tugunan ang panawagan ng publiko na ilahad ang buong katotohanan at ituro kung sino ang mastermind dito.

Bukod dito ang magi­ging testimonya umano ni Napoles sa Senado ay maaaring magamit din bilang ebidensya sa korte.

Tiwala naman si CIBAC partylist Rep. Sherwin Tugna sa husay ng mga Senador na magtanong para mapaamin si Napoles ng hindi malalabag ang right against self incrimination nito.

Dagdag pa ni Tugna  mahalaga ang pagharap ni Napoles sa Senado dahil makakatulong ito sa paglilinis ng dalawang kapulu­ngan ng Kongreso.

Show comments